Thursday, October 7, 2010

How dare you?

Si Irene ang nagkukuwento nito. Nakipaghiwalay siya sa kanyang boyfriend two years ago na mahal na mahal niya. Sa di inaasahang pagkakataon, nagkita sila ulit ng ex-boyfriend niya pero kasama nito and babaeng pakakasalan niya.
"My knees were shaking as I glanced at him, my ex-boyfriend, he was with someone, malamang girlfriend niya. I pretended na di ko siya nakita, but he grabbed my shoulder bag at napalingon ako...alam ko siya ang humila ng bag ko.
"Irene", (usual na tawag niya sa akin), at parang wala lang, I said "hi." Kanina pa raw niya ako nakita hindi lang daw ako namamansin. Sabi ko na lang pasensiya na, I was busy fixing my things, sabay smile.
He asked me if I received the invitation to his wedding...saka ko lang naalala na ikakasal na nga pala siya, kelan? Three days from now...date pa 'yon ng anniversary namin...The man I loved before is announcing the date of his wedding with this curly haired lady in front of me...the man who was deeply in love with me before *sigh*.
Its been two years since we last talked, siguro masasabi kong I missed him so much. Hindi lang talaga maganda ang naging paghihiwalay namin, may mga bagay na talaga na dapat ayusin, may mga bagay na nasira sa mga hindi inaasahang pangyayari. Pero akala ko lang na magiging maayos ang lahat.
As I opened the invitation, napansin ko agad ang date, anniversary nga namin dati. Una kong naisip inaasar niya ako, tamang ganti lang sa mga ginawa ko noon. Pero hindi ako nagpaasar. Eto nga at nakikipagchikahan pa ako sa harap ng kanyang fiance. Bakit? Dahil ba wala lang sakin? Ayos lang na makipagbolahan ako dito sa kanilang dalawa? Ang hirap kaya ng ginagawa ko gayon, trying to be nice to them.
Naah!! Nagsisi na ako noon, ayoko nang magsisi ulit ngayon. Gusto kong ipakita sa kanya na masaya ako para sa kanilang dalawa. Oo, dapat may ayusin pa akong mga bagay-bagay, pero naisip ko para saan pa?
Wala naman na akong babalikan, wala naman na akong pagbabawian sa kasalanang nagawa ko. Pero kung alam nya lang sobrang nagsisi ako sa mga nangyari. Kung alam lang niya kung anong mga gusto kong sabihin ngayon. Hindi ko siya iniwan, nawala lang ako saglit para ihulma ang sarili ko sa kung aino mang gusto niyang maging ako. Pero siyempre hindi niya ako naintindihan. Pero umaasa ako na kahit papaano sana, alam niya yon.
"We have to go Irene," nasabi ng kanyan fiance,"aasahan ka namin sa kasal." "Sh.. uhm yeah.. p-pupunta ako." Napangiti lang sakin si John. Heto na wedding day na. Exactly 2 p.m. kami dumating sa church. Kasama ko bestfriend kong si Marianne. Chinika na agad niya ako, ano daw ba nararamdaman ko na hindi ako ang bride ni John, sagot ko "wala lang." She just smiled at me, thinking that "wala lang" nga talaga. Pero kung alam nya lang, I wanted to shout in front of everybody. Gusto kong ipaalam na ako ang dapat na inaabangan ng lahat ngayon.
Pero di pa ako baliw para gawin ang mga bagay na yon dahil lang sa lalaking mahal ko pa rin "yata"? After 15 minutes, the ceremony started. I noticed the motif, it was pink my favorite color. I asked the girl beside me kung sinong nag-asikaso ng lahat ng ito. She said si John daw. Tango lang ang naisagot ko pabalik. As I quietly watched the ceremonies, there was a girl beside them who motioned forward to pick her microphone. Sabi ko medyo malilibang na ako, gusto ko kasing nakakapanood ng mga kumakanta.
Maya-maya lang, she started to sing. Teka, familiar 'yong song ah. I know the song...I almost cried when I heard that. That's our theme song. How dare he play that song haband nandito ako! Hindi ko ma-gets kung anuman ang gusto niyang palabasin, kung nananadya ba siya o talagang inaasar nya lang ako.
"You may now kiss your bride," sabi ng pari. Di kona napansing natapos ang kanta dahil sa mga sunud-sunod na pumasok sa isip ko. He looked at me first before he kissed his wife. Gusto ko siyang batuhin ng sapatos ko sa mga ginagawa nya. Kelangan kong makahanap ng tiyempo para maconfront siya, para maintindihan ko ang mga nangyayari. Pinagkakaisahan ba nila ako? O feeling ko lang yon?
Tapos na ang kasal, hindi na maganda ang mood ko, bakit pa kasi ako nag-i-stay? Lalo lang akong naiinsulto sa mga nakikita ko sa paligid. Mas maraming bagay lang akong nakikita na nagpapaalala noong kami pa. I really have to go, I have no purpose of being here. Kinakausap ko na ang sarili ko. Walang lingun-lingon akong naglakad papalayo. Kailangan kong makalabas ng simbahan agad. It was two steps away from the opened dor of the church when unexpectedly.
"Where are you going?" I slowly faced him with teary eyes, there was a long awkward pause. "What are you doing?" I looked straight at him.."That was supposed to be.. my question..." His eyes were full of questions. We just stared at each other.
After a few seconds, I sighed more heavily. And then...
How dare you play our song in you wedding ceremony? How dare you pick my favorite color as your motif? How dare you choose our anniversary date as your wedding date?"
My tears falling freely. "How dare you look at me before you kissed your wife?".
John looked straight at me and after a few second of silence he said, "because that was the last and only way I could imagine you were my wife."

No comments:

Post a Comment